Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin. Ito ang nagsisilbing tulay para magkaunawaan at magkaintindihan ang bawat isa. Ang wika ay ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay napapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito, nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Batay sa aking nasaliksik, ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan.
Ang buwan ng Agosto ay ang buwan ng wika. Mga skwelahan, pamayanan at pati narin mga magkakapamilya ay ipinagdidiriwang ang nasabing kaganapan. Maraming mga paligsahan ang nagaganap. Tulad ng sabayang pagbigkas, poster slogan at iba pa. Sa pamamagitan nito, naipapakita natin ang kahalagahan ng paggamit ng wasto sa wika. Naisasagawa rin ito upang mahikayat ang iba't ibang ahensiyang pampamahalaan at pampribado na makiisa sa mga programang nagpapataas ng kamalayang pangwika. Ito rin ay nagpapalalim sa ating pagmamahal sa wikang Filipino.
Ang wikang Filipino ay dapat nating pahalagahan.Dapat nating gamitin ito ng wasto, dahil kapag pinabayaan natin ito, magiging mababa ang tingin satin ng mga ibang tao. At kailangan nating tandaan na ang wikang Filipino ang rason kung bakit tayo tinatawag na Pilipino.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Season of Love
The virgin birth of Jesus is the belief that Jesus was conceived in the womb of his mother Mary through the Holy Spirit without ...

-
Every month of November, worldwide celebrate the ESP Month. This years theme, "Mapanuring Paggamit ng Gadget: Tungo sa Ma...
-
Reading means understanding. A man uses his mind to understand what he's reading. Reading is also a way for a man to learn. By...
-
Ang pag-aasawa ay isang bagay ngunit ang pag-aanak ay isang panibagong malaking hamon. Sa siyam na buwan na pagdadalawang tao ng i...
No comments:
Post a Comment