Lahat tayo ay may emosiyon. Nakadarama tayong lahat ng lungkot, saya, galit, at iba pa. Kaya lahat ng tao ay kinakailangang mapahalagahan at makadarama ng pagmamahal. Kung nasasaktan ang mga may edad, pano na sa mga bata? Alam nating lahat na maraming mga bata ang naaabuso at nakadarama ng depresyon. Ito rin ang dahilan kung bakit may teenage pregnancy na nagaganap. Maraming mga pangarap ang napupunta sa kawalan. Maraming kasiyahan ang napupunta sa kalungkutan. At maraming mga buhay ang nawawala. Alam natin na ang mga bata ay hindi pa gaanong mature. Kaya minsan, hindi nila alam ang kanilang mga ginagawa. Hindi nila napapansin na lumalapit na sila sa kapahamakan. May ginawang batas ang pamahalaan na para sa seguridad ng mga babae't babata. Ito ang rason kung bakit lumiliit na ang nangyayaring pang-aabuso sa mga bata. Pero hindi parin nawawala ang mga taong patuloy na nag-aabuso sa mga kabataan. Kaya nawawala ang sinasabing "Katarungan".Ang lahat ng tao ay may puso't damdamin. Mayaman man o mahirap, babae man o lalake, matatanda man o mga bata. Nakadarama lahat tayo ng lungkot at alam nating lahat na ang kalungkutan ay nakatutungo sa depresiyon. Kaya, lahat tayo ay magmahalan at magrespetuhan para sa ikabubuti ng lahat. Lalo na sa mga kabataan. Sabi nga ni Jose Rizal, "Kabataan ang pag-asa ng bayan".
No comments:
Post a Comment